Sarap noong nagdaang plevsem ng heights! May panghihinayang tuloy na ngayon lang ako nag-EB. Pero kahit gano'n, masayang masaya pa rin ako na nakapagtrabaho/bakasyon kami bilang magkakaibigan. Abangan mo 'yung susunod naming mga libro at proyekto ha.
Tulang naisulat matapos itapon ang isa na namang tula ng paglimot
Minsan, sinabi kong marunong lang akong magmahal ng mga bagay na lumilipas, na ang maisisilid ko lamang sa aking puso ay ang mga alaalang nakakalas, ngunit binabalikan ko pa rin hanggang ngayon, kaibigan, ang isang takipsilim, noong nagsanib ang kulay ng araw at dagat sa isang sulok ng langit, noong paulit-ulit na tinungkab ng umaahong mga alon ang paiksi nang paiksi nating dalampasigan, noong sinabi ko, kaibigan, na wala akong nais kalimutan kundi ang mga bagay na di magpapaalala sa akin nito, ng dahan dahan nating mga hakbang paatras, tungo sa landas pabalik ng bahay kung saan maaari nating panoorin ang mga bituin at tanungin kung ano ang pakiramdam ng walang hanggan, maaari tayong makinig sa mga bulong ng maalat na hangin, maaari tayong magpalitan ng lihim tungkol sa takot na umibig sa mga bagay na nananatili, tungkol sa pangingilag sa mga pangako, at saka tayo sabay na titingin sa malayo, aalalahanin kung paano nga ba sinasagip ang lumulubog na puso.
6 comments:
nakakainlab.
inaantay ko pa ring iyong panahong makalalabas tayo. maghahanap ng bagay bagay na maaaring mahalin.
sa lunes ba. pwede kami magsit-in ni chan?
pede na siguro, itxt mo ko. :)
hi. ka-fellow ako ni michael orlino sa palihang dfpp 08.
pinost nya kasi itong tula mo sa multiply nya. at nabasa ko. at na-in love ako sa tula mo. =)
ay. mali pala.
ang comment ko ay para sa "Tulang naisulat matapos itapon ang isa na namang tula ng pangungulila".
don ako na-in love. =)
Post a Comment