Friday, December 31, 2010

2010

1.

Alas-diyes na ng gabi. Dalawang oras na lang bagong taon na. Hindi ko alam kung bakit parang wala masyadong pasabog sa kalsada. Siguro tinikom nga 'yun ng ban sa paputok. O baka nagpapakiramdaman pa lang ang mga tao.

Pero malakas na ang hiyaw ng mga speakers. Kani-kaniyang party-party sounds. Pinakikinggan ko ngayon ang I Gotta Feeling. At tama nga naman.

2.

Paano magpapaalam sa isang buong taon? Sana puwede ko na lang tipunin ang lahat ng damit, larawan, sapatos, sintas ng sapatos, boteng wala nang laman, sumbrero, papel ('yung blangko, at 'yung blangkong tinangkang sulatan), isilid sa isang dambuhalang tubo, pulbuhan ng pulbura, singitan ng mitsa. Sindihan.

At pagdating ng 5, 4, 3, 2, 1, titingala ako sa langit. Panonoorin ang pagliwanag nito. Dahil naging maliwanag ang taong 2010.

Magsasaabo ang lahat. Ang hindi ubusin ng apoy, itatago ko sa ilalim ng higaan ko.

3.

'Yung mga alaala, maaari rin bang ihagis pahimpapawid?

4.

Meron akong mga bagay na dapat panghinayangan. 'Yung mga bagay na ngumangatngat sa likod ko tuwing patulog na ako. Mga taong hindi nakausap, mga pagkakataong hindi sinunggaban, mga bagay na hindi ko naibulong kahit kanino. Mga binitiwan.

Ang dami. Ito na ata 'yung taon ding masyado akong natakot. Kaya, ayun. Ewan.

Pero ang totoo: mas marami pa rin akong ipinasasalamat. At baka 'yun 'yung dahilan kung bakit nakakatulog pa rin ako. Kung bakit gusto ko pa ring salubungin 'yung mga panaginip ko tuwing pipikit. Kung bakit patuloy pa rin akong gumigising, bumabangon.

At isa ka na d'un. Napasaya mo ako. Napangiti. Napa-tanginangsiyet. Grabe. Ikaw: 'yung mga ka-opisina ko, 'yung mga kaibigan ko sa Ateneo, 'yung mga ka-tropa ko sa FRM, 'yung pamilya ko, 'yung mga taong nagpupuno ng sangkatutak na puwang sa buhay ng isang tao. Ikaw, salamat sa 'yo.

5.

Mga resolution ko para sa susunod na taon:

- Magbasa pa. At hindi lang tuwing may panahon. Kahit wala. Kahit sa pagitan lang ng lunch at sa susunod na pagharap sa computer. Kahit bago lang matulog. 'Yung mayayapos mo na 'yung libro.

- Magsulat pa. Ilabas ang mga notebook na natanggap nu'ng birthday at pasko. Punuin ng linya. Tungkol sa mga nakikita. Tungkol sa nais makita. Tungkol sa 'di na nakikita.

- Mag-exercise pa. Dahil panay ang lamon sa opisina. Dahil panay ang lamon sa bahay. Dahil naiimbak na ang mga 'yun sa tagiliran. At dahil ayaw na ayaw mong kinakapos ng hininga.

- Matuto pa. Maraming-maraming bagay pa ang hindi mo alam. At suwerte kang ilang pindot lang ng mouse at keyboard e sasambulat na sa 'yo ang marami du'n. Maghanap. Palagi.

- Magbigay pa. Gawing mas madulas ang palad sa pagbitiw ng pera. Marami kang gustong tulungan. At hindi mo sila matutulungan kung iisipin mo lang na gusto mong tumulong.

- Magmahal pa.

6.

Hello 2011,

Malapit na tayong magkita. Tatagpuin kita sa labas ng bahay namin. Makikita mo akong may hawak na luses. Malamang sumisigaw. Nasasabik kasi ako sa pagdating mo.

Sana magkasundo tayo. At kung hindi man, well, wala naman akong ibang magagawa kundi umusad. Kasabay ka. Turuan mo akong antabayanan ang bawat ihaharap mo sa akin. Ipaalala mong isang taon lang kitang makakasama. Araw-araw.

Maging marahan ka sana. Dalhan mo ako ng ulan paminsan-minsan.

Hayaan mong tumanda ang aking pagkatao ng isa pang taon. Walang labis, walang kulang. Kabigin mo ako kabag inuunahan ko ang sarili ko. Sabihin mong malawak ang panahon. Itulak mo ako kapag nagmamabagal ako. Sabihin mong lagi't lagi, may humahabol sa akin.

Dalhin mo ako sa mga astig na taong magiging astig na kaibigan.

Sa iyo,
Brandz

7.

Malapit na. Palakas na nang palakas ang mga paputok. Sabay na pagdiriwang at digmaan.

Kukunin ko lang ang kahon ng posporo. Lalabas na ako.


Thursday, December 23, 2010

Para Umusad


A Fantasy

Louise Glück

I'll tell you something: every day
people are dying. And that's just the beginning.
Every day, in funeral homes, new widows are born,
new orphans. They sit with their hands folded,
trying to decide about this new life.

Then they're in the cemetery, some of them
for the first time. They're frightened of crying,
sometimes of not crying. Someone leans over,
tells them what to do next, which might mean
saying a few words, sometimes
throwing dirt in the open grave.

And after that, everyone goes back to the house,
which is suddenly full of visitors.
The widow sits on the couch, very stately,
so people line up to approach her,
sometimes take her hand, sometimes embrace her.
She finds something to say to everybody,
thanks them, thanks them for coming.

In her heart, she wants them to go away.
She wants to be back in the cemetery,
back in the sickroom, the hospital. She knows
it isn't possible. But it's her only hope,
the wish to move backward. And just a little,
not so far as the marriage, the first kiss.
12/17/10

And then there is flame: inside a glass, burning in your throat, warming up your heart. And then there is a wish, a dream that cannot be contained. We were content, barefoot, the cold keeping us safe. Then I had to try contact. And you, well you were already far away, far before I realized my failure, chasing after another fire, your hands seeking a spark, your tongue tying itself, with the words you've held back all night. And then there are gifts and we remember that this is not our night. My head clogged, my hands shaking, my heart in the right place. Beneath your heavy palm.

Tuesday, November 2, 2010

Galing akong bakasyon. Oo, bakasyon. As in sakay-sa-eroplanong-punta-sa-di-ka-maaabot-ng-magulang-mo-walang-kakapit-ang-bahay-na-tinuluyan-mo na bakasyon. Sa Cebu.

Kasama ko si kumander, at ilan pang mga kaibigan. Ayos naman. Napagtanto kong di pala ako mabuting manlalakbay. Ni hindi ako mabuting turista. Dahil hindi ko na matandaan ngayon ang mga pangalan ng mga pinuntahan namin. Hindi ko na matandaan kung sinubok kong tandaan ang mga iyon.

Ang naiwan sa bagahe ng alaala ko: tubig-alat, batong may mukha, pangil, maiikling palda, hiyaw na nakabihis-kanta, pusit, kanin, at pusit pa ulit, dragon, gintong isda na hindi goldfish, kandila, lusaw na kandila, latak, altar, hipon, unan, kumot, unan, kumot, unan.

Tulad ng sinabi ko, hindi ako mabuting turista. Nangingilag pala ako sa mga great adventures. Lumalabas ako ng lungsod na kinagisnan ko at ang una kong hinahanap ay yung pamilyar, yung maginhawa, yung unan at kumot. Ewan ko. Siguro takot lang akong ilagay sa panganib yung mga akala kong kabisado ko na: yung mga salita, yung mga imahen, yung mga pinaniniwalaan kong totoo. Kasi parang hinahamon iyon ng bawat paligid. Bawat salitang hindi ko maintindihan, bawat kakaibang kagandahan, bawat antig na hindi ko mawari kung galing saan.

A, ewan. Basta pag-uwi ko ang una kong naramdaman: parang may nakalimutan akong gawin, parang may nakalimutan akong kausapin.

At ito ay para kay Lles:

Pagtahan

Umahon akong parang sumisilang
noong lumubog ka't tumiklop
at nagpabuhat sa mga alon.
Nauna kang nakauwi
sa dalampasigan.

Thursday, October 14, 2010

Psst. May ipagtatapat ako sa 'yo. Hindi, hindi ako pinaghahanap ng mga kinauukulan. (O dapat nga ba?)

Hindi. Ang gusto ko lang namang sabihin e gumawa ako ng panibagong blog. Doon, sa dati kong lungga, sa Tabulas, kung saan ako unang natutong mangalmot ng dingding para sa mga taong mapapadaan, at baka sakaling magtaka sila kung ano ang kahulugan nu'ng mga linyang 'yun. At kung kaninong mga kuko galing 'yun. At baka hanapin nila ako.

Siguro mga tatlong entry na rin ang nasulat ko roon. Isa tungkol sa unang Christmas lights na nakita ko ngayong taon, isa tungkol kay Frelan, at siyempre isang pagpapakilala.

Para akong binatang first time uli nanligaw. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, kung anong mga kalokohan tungkol sa sarili ko ang ipakikilala ko. Pero ang sarap din nu'ng pakiramdam na 'yun. Kasi nga naman, lahat bago. Wala pang Muli, wala pang paghingi ng tawad, wala pang kahit na ano kundi heto ako, nasa harap mo. At mapapansin mo ako. Di ba?

Pero guess what? Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, bigla na lang siyang na-ban. Binigyan ako ng personal e-mail na computer generated din naman. Sabi baka raw hindi ako sumunod sa patakaran. Hindi ko alam kung ano 'yung sinuway ko.

Sino ba naman kasi ang nagbabasa ng terms and conditions di ba? Hindi naman ako sumali ng promo. Hindi naman milyon-milyon ang nakataya. Ilang salita lang. Na ngayon kaya ko nang basta na lang bitiwan. Limutin.

-----

Kung bakit ako gumawa ng isa pang blog (na ngayon nga ay kaluluwa na lang sa cyberspace). Well, kasi, kasi. Well, wala lang. (Na parang lumayas ka ng bahay mo, nagpaangkin sa lungsod ng tatlong araw, bumalik, at sinabing hi Ma, trip ko na dito uli.)

O siguro 'yun nga 'yun. Na gusto ko munang lumayas sa bahay na 'to. Kahit ako mismo ang gumawa ng bahay na 'to. Ako mismo ang pumili ng mga muebles, nag-design-design ng kaunti, nagtakda kung saan puwedeng mahulog at hindi puwedeng mahulog ang mga bagay, naghikayat sa mga kapitbahay na bumisita at tingnan mo o, di siya kagandahan pero kumportable naman.

Sa 'kin mismo nanggaling na gusto ko maging bahay 'to nu'ng mga tulang nais kong ipakita sa iba, nu'ng mga kuwentong may kasapatan ang kahulugan, lahat maayos ang pagkakasabi, lahat nasa lugar. Ngunit sa mga desisyon kong iyon, parang sumikip nang sumikip ang bahay, naging silid, naging cabinet, naging piitang saktong-sakto lang para sa aking katawan. Ni hindi ako makapag-stomach-out.

Sa huli, siguro hindi ko lang magawang tahanan 'yung mga sarili kong kagustuhan.

Kaya ayun nga lumayas ako saglit. Pero hindi rin ako binigyan ng espasyo sa labas. Hi Ma, trip ko na dito uli.

-----

Nabalitaan ko rin ang paglilipat-blog ni Kael. Kaya ayun, pinagbababasa ko uli ang mga entry niya mula sa simula. (A, naririnig ko mula sa inyo, tama du'n nga galing ang format na 'to). Oo nga, du'n nga galing ang format na 'to.

Ngayon, napapaisip tuloy ako kung ano na nga ba 'ng napala ko sa kakablog ko. At kung saan na nga ba 'to papunta. At kung 'yung pagkakaroon ng sugat ng dingding e sapat nang gantimpala sa mga nagdurugo kong daliri.

Dati, napagmuni-munihan ko na kung ano 'yung kahulugan sa akin ng pagba-blog. Me kinalaman pa 'yun sa tensiyon sa pagitan ng personal at public spaces. Sabi ko isusulat ko iyon, sabi ko iba-blog ko. O at least ikukuwento sa iba kapag awkward silence ang ulam sa hapag-kainan. Hindi ko na maalala kung ano 'yun ngayon. Hindi ko na kasi napag-iisipan 'yung mga gano'ng bagay.

Ang natatandaan ko lang: maraming-marami akong ginustong sabihin. Maraming-marami. Higit pa sa dami ng eroplanong pinanood ko sa himpapawid buong buhay ko. Higit pa sa dami ng beses kong itinuro ang langit at sinabing, "Yan ang Orion." Higit pa sa mga kaibigan ko. Maraming-marami. At natatandaan ko rin mula pa noong unang isinulat ko, hanggang sa nagseryoso akong magsulat, hanggang nakatamo na rin ng pananampal ng komento at paghalik ng papuri, ang talagang ginusto ko lang gawin ay hatakin ka tungo sa isang sulok, maganda kung makahanap ka ng bangko, maganda kung malamig ang hangin at nangungusap ang katahimikan, at sabihin sa 'yo ang mga ito.

At tatahimik ako nang matagal na matagal. Habang pinakikinggan nang maigi ang himig at kahulugan ng lahat ng nais mong sabihin.

Tuesday, September 21, 2010

Hurricanes

Pain has no proportion. There is only the moment and the truth of how it felt.
Pain is not a moment. It is only truth proportionate to how it feels.
Pain is not true. It is only a proportion of the moment of feeling.

Proportion is painless. Only the moment of truth is felt.
Proportionate to no moment of pain. Only, truth is in how it feels.
Proportion has no truth. There is only momentary pain. Feel.

A moment is not painful. There is only the proportionate truth of how it feels.
A moment has no proportion. There is only the pain when truth is felt.
A moment that has no truth is painful. There, proportioned. How does it feel?

Truth has no pain. There is only proportion. The moment. Feeling.
Truth has no proportion. There is only the moment. The painful feeling.
Truth is not a moment. There is only the painful proportion of feeling.

Sunday, August 29, 2010

1.

Noong segundo ng pagkakapatay sa kaniya, sa pagitan ng pagputok at pagbaon ng bala, hinugot ako mula sa aking sarili paloob sa kalooban kong hindi ko matiyak kung bahagi pa ng sarili.

At sa loob noon: tahimik, masikip, malungkot.

2.

Naramdaman ko ang sariling nais kumawala, nais huminga, nais may kausapin. Ngunit para sabihin ang ano? Na may mga bagay akong hindi matanggap, na naniniwala akong walang taong pinipiling maging masama, na karapatan ng lahat ang maduwag?

Na sa labas ng bintana, tumitila na ang ulan, kung kailan maraming-maraming kailangan mahugasan?

3.

Nanatili akong tahimik dahil sumisigaw na ang buong mundo at kung walang makikinig, saan pa pupunta ang mga namamagang tinig na iyon? Ngayon, tinatanggap ko na ang kabiguan kong lumunok ng damdamin at hayaang umalingawngaw ito palabas ng aking lalamunan bilang pakikiramay. May kamay akong nais abutin. May mga mata akong nais tingnan. Ngunit wala, wala akong maihahaing salita.

4.

Noong gabing iyon, maraming bagay ang nabasag. Marahan kong pinupulot ang mga bubog: dugo, maso, putok, patak, ilaw, usok, bakal, bangkay.

5.

Marami pang naiwan.

Monday, August 9, 2010

This way to the moon

You said, let me look up
and pray the prayers of my childhood.

I say, let me burn in your throat
instead.

This is the way to the moon.

To build landmarks,
you will say, I want to say something
that you'll agree with.

I watch the smoke from your lips
rise like a prayer. I agree.

That we'll fight over
beer and reconcile over the last star
of morning,

I will respond. (Thinking
about the sun. Too late.)

We will definitely get lost.
I hope.

Once, we turned on spaces
when we had nothing
to talk about.

You hand me a piece of paper,
beer-stained. Let me tell you,
you begin. I face the same space

some sound of the wind
is trying to occupy.

Let me tell you again,
your silence pieces
things together
better than my words.

The wind is talking to my skin.
I hear an echo, somewhere.

We're nearing the moon. Here.
The first men

to see the moon did not see
faces, I proposed. They said nothing.

The first woman saw
a womb. Words are still being
born in this poem, you wrote.

I look at everything else. Home.

We are getting somewhere
fast. We have no ride back.

Look, the moon is not moving
despite ripples on your glass.

Tuesday, June 15, 2010

How I get to where you are

stars, streetlights, lampposts, nights, waves,
windows, flowers, leaves, people
who get along, people who are with other people,
clocks, universes, cups, papers, poems, trains,
lists, knives, grandmothers, mothers, touch,
pins, hair, coats, their pockets, coins, smoke,
hands, fingers, bodies, clouds, electric wires,
cities, maps, geographies, biographies, faces
of the moon, prologues, epilogues, clothes,
closets, books, pages, petals, minds, t-shirts,
songs, guitars, pianos, instruments, breath,
storms, stairs, staircases, skirts,
things that have no names, butterflies,
moths, ladybugs, memories, light bulbs, night
lights, kisses, glasses, sadnesses,
eyes, tears, laughter, tongues, tribes,
nations, flags, letters, lovers, poets, their lives, disarranged
furniture, oceans, landscapes,
grass, trees, their fruits, ants, spiders, existence,
footprints, blood, wounds, scars, their afterforms, blanks,
readers, reactions, bags, birds,
feathers, fireworks, scrap paper, fire, skies, lots, empty
lots, houses, streets, cement, floor, bathrooms, stones,
clenched fists, hearts, veins, pens,
ink, lions, roars, ghosts, ropes, unending
stories, cliffhangers, cliffs, sobrieties, alcohol, judgments,
the book of judgments, God, offices, desks, boards, rocking
chairs, boats, someplaces, feelings, frowns, taste,
mangoes, starch, constellations,
mess, friends, family, dead
people, news, headline, lines
from songs, chapels, magazines, fear,
alone, loneliness, happiness, days
without sun, patches of silence,
silence, souls, you, weaknesses

Friday, May 14, 2010

ISANG(DAANG) MALAKING HUH?

Sa wakas! Natapos ko na rin itong side-project ko. Sabi nga nila, tsek dizz awt!

Tungkol sa proyekto:

Kapag nag-uusap ang dalawang tao, malamang may konteksto silang pinagsasaluhan kaya sila nagkakaintindihan, di ba? Kaya naman kapag halimbawa nakiki-epal ka lang at nakikinig sa usapan nang may usapan, minsan may mga pahayag na hindi ka maiintindihan. Minsan, bukod sa hindi mo ito maintindihan, weird lang siya talaga, sobra.

Ang “Isang(daang) Malaking Huh?” ay isang exercise sa pagbibigay ng pahayag na hindi maaari (sige na nga, mahirap) ikahon sa mga pangkaraniwang konteksto. Layunin ng proyekto na makiliti ang utak na mag-isip ng mga konteksto kung saan maaaring magamit ang mga pahayag na nandito. Ikaw, try mo siyang i-use in a situation.

Or, kung gusto mong malaman ang totoo, wala lang akong magawa. Bilang Facebook status messages nagsimula ang mga ‘to. Seryoso naman ‘yung mga nakasulat sa taas. Pero na-cool-an lang talaga ako kaya siya naging ‘proyekto’.

Enjoy!

ISANG(DAANG) MALAKING HUH?

1. bakit ka nakangiti tuwing may humahabol sa 'yo? huh?

2. nakakatuwa kang panooring nagtatago. huh?

3. alam mo, pede naman akong unan e, pero kumot? huh?

4. para kang cornick, at hindi sa magandang paraan. huh?

5. bulong sabay singhot. huh?

6. wag ka magpanic, pupunta lang ako ng cr. huh?

7. halika rito. hindi nga, halika. huh?

8. sige, pero kapag pumikit ka ayawan na. huh?

9. kung hindi mo 'ko mamimis, 'wag kang aalis. huh?

10. ilarawan mo ako sa pamamagitan ng isang halakhak. huh?

11. masaya ka ba o malamig lang talaga? huh?

12. hindi ka kasi puwedeng dumighay nang nakangiti. huh?

13. pano ka napatid nang nakaupo? huh?

14. magtatanggal lang ako ng tsinelas, di mo kailangang pumikit. huh?

15. isang kabig, isang buka. huh?

16. halik sabay hatsing. huh?

17. kung susunod ka, hindi na lang ako aalis. huh?

18. tumalikod ka muna, inaantok ako. huh?

19. bakit ba gusto mo sa ilalim ng kama tayo mag-usap? huh?

20. tagalugin mo na lang: hahalukayin kita. huh?

21. sa lahat ng kasinungalingan, ikaw 'yung pinakamaalat. huh?

22. may pupulutin lang ako, 'wag ka maglalaway. huh?

23. bubuhatin lang kita kung magdadamit ka. huh?

24. kapag sinabi kong ayoko ibig sabihin hindi ako puwede. huh?

25. bakit naman kasi magsisipilyo lang e nagpapabango pa? huh?

26. puwede ba, masakit ang ulo ko ngayon, huwag kang lumunok. huh?

27. alam kong nagugutom ka, pero huwag naman yung hita ko. huh?

28. nagsasabi ako ng totoo, ibaba mo na 'yang nailcutter. huh?

29. lusot na dapat tayo e, kinilig ka lang kasi. huh?

30. hindi kita iiwan, itago mo na 'yang glue. huh?

31. kung gusto mo ng kiss, huwag kang pangawa-ngawa diyan. huh?

32. wait, nagpipiko tayo, ba't mo ko tinataya? huh?

33. magkita naman tayo ng mata sa ilong. huh?

34. ang plano: tatango ako tapos giginawin ka. huh?

35. buhok ba yan o pilikmata? huh?

36. ano ka ba tulog o umaatsing? huh?

37. kapag tinanggal mo 'yung sapatos ko, uuwi na 'ko. huh?

38. huwag mo akong daanin sa pacute, nadadaan ako e. huh?

39. okay lang, tumalon ka, tatalon din ako. e kung lumipad ako, pa'no na? huh?

40. magbibigay ka kasi ng babala bago ka maglugay. huh?

41. sorry, body painting ba? kala ko finger painting. huh?

42. kung nakikita mo 'yung naiisip ko, sisinga ka. huh?

43. bago ka pumikit, puwedeng dumighay ka muna? huh?

44. teka, nakahawak ka pa sa pisngi ko e, huwag ka munang humatsing. huh?

45. sisimulan kita sa tingin at tatapusin sa kunot ng noo. huh?

46. ang plano, hahalikan mo 'yung palad mo tapos aakalain nilang hostage kita, okay? huh?

47. sige, kapag sumilip ka, mapapapikit ka uli. huh?

48. kahit magpalit ka pa ng shampoo, maiisip mo pa rin ako. huh?

49. ang plano, yayakapin kita tapos kikindatan mo siya, okey? huh?

50. kapag nagtatago ako, hindi habulan yung nilalaro natin, ok? huh?

51. huwag ka matakot, hindi pa 'yan 'yun. huh?

52. magkakaalaman 'to kapag nagpikitan na tayo. huh?

53. huwag mo 'kong gayahin, magkaiba 'yung korte ng kuko natin. huh?

54. kapag nabuking tayo, braso lang ipapakita ko a. huh?

55. ilang beses ko bang sasabihin, hindi ako pulbo! huh?

56. o, bakit ka humatsing e nakalabas pa 'yung dila mo? huh?

57. para patas, sa 'kin naman 'yung pisngi mo. huh?

58. kapag nahuli pa kitang nakahawak sa labi mo, magpapalit na 'ko ng pantalon. huh?

59. ayusin mo kasi 'yung pagkakaupo mo para di mo 'ko maisip. huh?

60. ikaw kasi, sabi ko namang mulat muna bago halik e. huh?

61. kung hindi ako titingin, lalapit ka ba? huh?

62. kapag hindi mo tinigil yan kikindat na 'ko. huh?

63. Pahingi ng isang hibla ng buhok, may susukatin lang ako. Huh?

64. kaya kitang pangitiin, bigyan mo lang ako ng baso. huh?

65. kung ayaw mong mabasa, huwag kang haharap. huh?

66. mga tatlong hakbang na lang, mamimiss mo na 'ko. huh?

67. ngiti sabay takip ng tenga. huh?

68. sige, pero kapag nagustuhan mo, tigil na. huh?

69. papunta pa lang ako, pabalik ka na. yan tuloy tinatamad na 'ko. huh?

70. kung lalapit ka na rin lang sa 'kin, itodo mo na. huh?

71. hindi kita matatalo kung mananalo ka. huh?

72. may ibubulong ako sa 'yo pero huwag ka pipikit a. huh?

73. sige, subukan mo. 'wag mo ko sisisihin pag nagustuhan mo. huh?

74. bakit, kung bagay ba tayo e tayo na? huh?

75. hindi naman sa ayaw kita, hindi lang kita gusto. huh?

76. ganito na lang, kapag tulog ka na, saka na lang kita kakausapin. ok ba 'yun? huh?

77. bukas na lang, ayoko ng sarado e. huh?

78. kung matutulog ka rin lang, e di pumikit ka na rin. huh?

79. sige ka, matutulog ako. huh?

80. kung ayaw mong gumising, magpatulog ka! huh?

81. kung alam mo, good. kung hindi, better. huh?

82. pahabaan na lang ng pilikmata. huh?

83. halika nga dito, masakit ulo ko e. huh?

84. ano'ng maganda do'n, e labas 'yung buhok? huh?

85. hindi kita maintindihan, bakit ka nakapikit? huh?

86. sorry na, hindi ko naman alam na may kakambal ka pala e. huh?

87. sige, pagbibigyan kita, sayaw. huh?

88. kung nawawala ka, at wala kang suot, good luck na lang. huh?

89. sa tingin ko, mabango. huh?

90. kapag may isinuksok, may nakabukol. huh?

91. ano ba 'yang kendi mo, lasang asin. huh?

92. ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, walang leeg. huh?

93. i'm crazy for you. touch me once, twice, and three times too. huh?

94. kung hindi ka lang maganda, inahitan na kita! huh?

95. kapag binato ka ng bato, wala na silang bala. huh?

96. pag hindi mo 'ko tinigilan, matitigilan ako! huh?

97. kung di lang ako gutom malamang kumain na ako. huh?

98. kung ayaw mong magpatulog, matulog ka! huh?

99. ang problema lang naman talaga sa work e 'yung ginagawa mo. huh?

100. lumayas ka na! isama mo na rin ako! huh?

Tuesday, May 4, 2010

Tumitingin-tingin ako sa mga lumang files ko at biglang



Naisip kong gawan na lang siya ng liham, tulad ng dati, kumuha ng papel mula sa kaniyang nowtbuk at isulat doon ang lahat-lahat ng gusto kong sabihin. Ngunit naisip kong hindi na maaaring ganoon. Papunta na kami sa tunay na buhay at pambata na ang pagsusulat ng mga liham, o panteleserye. Parang kotseng nawalan ng preno ang aming pagtanda at naisip kong sana malimot niyang muli ang aking pangalan. Para kausapin niya ako, kahit para lang magtanong, para lang mag-usisa, para lang magpakilala.



Gusto kong makausap ulit 'yung dating ako.

Friday, April 30, 2010

Birthday

I am looking outside a window to another
building with other windows looking out,
gaping at the gap. I just turned 21 today
and the first thought I had this morning was that
I was 21 and I haven't punched anyone in the face.
Nor have I ever been punched in the face.
You must understand: I am not a violent man.
Some people would think that I just became a man
today. I would think of punching them
and measuring the gap between this window
and the window in the other building in fists thrown
before they (or I) back down against one.
Again, I am not a violent man. But sometimes
I feel like I'm falling from the 23rd floor (I am
on the 15th and how many floors does this building
have again? I cannot remember). And I might
die without having my face rearranged
by anger or jealousy or simple animalistic rage.
Or I wouldn't be so high as to have a nosebleed
in perfect cold. On my way to the office I saw death
pull out the insides of cats and frogs and the other
animals who were spared from the same fate
were boringly walking past, not conscious
that they had those insides inside them too.
I felt like vomiting. I closed my eyes and opened
the door to that room in my head that held flowers.
Hundreds of flowers. I thought I could die
right now and I do not want to look at flowers.
I know of beauty. I am 21 and I have enough pictures
to prove that I am, was, can be happy.
I have a playlist in my iPod full of happy songs.
My girlfriend says I love you every morning.
But now I am 21 and I am conscious of the gap
and someone please punch me and break
through that room in my head. Let me see
the things I have been missing. I have loved.
Come here. Give me a good reason to fight.

Monday, March 29, 2010


Jason Bateman is a Soldier Being Shot At.
Joe Atkins

The need to affirm what we are emits from every movement.
I watch the television, include you in my daily life.
I am the reflection of a war, on a warring civilization,
Writing poetry. I am not a marble maker.
It is important to know what we are not.
The process of negation becomes growth.
I am the bird bone feeling of a summer Thursday night.
Drinking alone, which is cliche, lonely drinking the night.
What issues are there behind this, intention?
Am I stabbing my premature thoughts into the keypad,
Blinding myself with the glowing light without purpose?
How can any movie end with Jamie Foxx saying,
“I told her we were gonna kill em all”?
I watch the fans spin forward then quickly backward
& feel like Yeats, except my wife doesn’t tell me stories
From the perspective of a Roman. She tells me
Other stories from her family, about drugs & abuse
& redemption. I feel wht suburban because of this.
I am wht suburban because of this. I am the restless.
I am the satiated. I am the spilled drink staining into the floor.
But no matter how Downey I put this,
It comes out the same, like making it rain.
I am the carnage lulling you to sleep,
Which means I am not the dry heave waking you
From the dream where you have a friend to drink with.

Wednesday, January 27, 2010

Conversation

Before the unsayable becomes
the topic of our latest silence,

our eyes are like perfect strangers
feeling they must have met. Before

I say, I wish only to say this
with the exact gravity

it had when it happened. Before this
was when it hurt the most.

He was unreachable, no matter
how breakable the glass was.

And us, too, before the memories
found their spots to fill, to make

sense of this finished picture.
The space, given by the absence

of mist from what breath could
condense from inside, has settled.

His mouth was slightly open
and the gap between his lips

seemed to hold so much.
And if I listen closely between

the cries, the hiccups, I could
have sworn I would hear

my name. You would hear yours.
And we would mistake the turning

of the world for his voice.
The unsayable is about empty itself.

I am waiting for you to speak.