Thursday, February 12, 2009

Paglaho


A Piece Of The Storm
Mark Strand

For Sharon Horvath

From the shadow of domes in the city of domes,
A snowflake, a blizzard of one, weightless, entered your room
And made its way to the arm of the chair where you, looking up
From your book, saw it the moment it landed.
That's all There was to it. No more than a solemn waking
To brevity, to the lifting and falling away of attention, swiftly,
A time between times, a flowerless funeral. No more than that
Except for the feeling that this piece of the storm,
Which turned into nothing before your eyes, would come back,
That someone years hence, sitting as you are now, might say:
"It's time. The air is ready. The sky has an opening."

Sunday, February 8, 2009

Sabi ni Moreen

masidhi raw 'yung kasiyahan ko ngayon. Gano'n na nga siguro. Kahit ngayon lang magiging un-apologetic muna ako. Saka ko na titignan sa hinaharap kung mag-a-apologize nga ako. Ang totoo: sana masaya ka rin.

nanggaling kay Martin Villanueva ang unang mga salita sa tulang ito. Nag-rengga kami noon at isinulat niya, 'I reach for your hand and believe in contact.' Martin, panakaw na muna. :)


Poem written after reclining on the grass with a lover

I reach for your hand and put my faith
in contact and the many pinholes

that allow it. I believe in movement
and the consequences of movement.

Dry current coursing through meadows.
Tall grass falling on each other. "Waves,"

you say "are not owned by the sea."
A leaf rests on your shoulder and I

remember Nothing Lasts Forever
inked on a handrail of an escalator.

A leaf falls and I remember rivers
of people funneled by train doors.

“When did it become this hard to get home?”
a passenger stops and sighs and I continue

to read a poem and believe in its power
to break a heart, turn it into sunset,

let the dusk flow through our veins.
I believe that moments could fail

to reveal themselves. I believe we could
stay a little longer in this time of trees

and quiet and spaces that settle between us -
holding each other’s hand, feeling our own.

Tuesday, January 6, 2009

I would love to dowse for you

in this city where there is an absence of taxis and street signs that speak of a single direction. With the way the main road exceeds our concept of ends, a man sleeps, feeling oddly at home in a passenger jeepney. In this city where there is no sky undivided by veining electric wires, it can sometimes feel like a ghost town, thrown back unto its own body. Resuscitated. Breathing heavy. Heaving smoke upward. Cold wind condensing on the palm of a child. The weight of coins anchoring his dreams to reality. A dry leaf falling towards a puddle of grease. In this city hanging on the margins of Manila, named after pineapples, boasting “clean and green”, empty lots but no gardens, I would love to miss you, standing so plainly, darkening almost, beneath a lamppost that flickered when I passed.

for Jamie

Friday, October 17, 2008

Pumeplevsem

Sarap noong nagdaang plevsem ng heights! May panghihinayang tuloy na ngayon lang ako nag-EB. Pero kahit gano'n, masayang masaya pa rin ako na nakapagtrabaho/bakasyon kami bilang magkakaibigan. Abangan mo 'yung susunod naming mga libro at proyekto ha.


Tulang naisulat matapos itapon ang isa na namang tula ng paglimot

Minsan, sinabi kong marunong lang akong magmahal ng mga bagay na lumilipas, na ang maisisilid ko lamang sa aking puso ay ang mga alaalang nakakalas, ngunit binabalikan ko pa rin hanggang ngayon, kaibigan, ang isang takipsilim, noong nagsanib ang kulay ng araw at dagat sa isang sulok ng langit, noong paulit-ulit na tinungkab ng umaahong mga alon ang paiksi nang paiksi nating dalampasigan, noong sinabi ko, kaibigan, na wala akong nais kalimutan kundi ang mga bagay na di magpapaalala sa akin nito, ng dahan dahan nating mga hakbang paatras, tungo sa landas pabalik ng bahay kung saan maaari nating panoorin ang mga bituin at tanungin kung ano ang pakiramdam ng walang hanggan, maaari tayong makinig sa mga bulong ng maalat na hangin, maaari tayong magpalitan ng lihim tungkol sa takot na umibig sa mga bagay na nananatili, tungkol sa pangingilag sa mga pangako, at saka tayo sabay na titingin sa malayo, aalalahanin kung paano nga ba sinasagip ang lumulubog na puso.

Friday, October 3, 2008

Binyagan natin itong blog na ito

...sa pamamagitan ng isang tula.


Tulang naisulat matapos itapon
ang isa na namang tula ng pangungulila

Gusto ko nang bitiwan ang pagsusulat
tungkol sa pangungulila. Nariyan ka,
isiniksik ko na ang linya sa aking puso,
sa pagitan ng Hinahanap kita at Wala
ka rito. Narito ako, isinisigaw ang puwang
na lumulutang-lutang sa aking dibdib.
Tumingala ka: nariyan ako, sa espasyo
sa pagitan ng mga tala. Nariyan ka,
at kung pipikit ako, nariyan ka pa rin,
papalapit sa akin. May pangungulila
bang nananahan sa mga pagitan? Maaari
kitang tabihan kung maniniwala ka:
gusto ko nang bitiwan ang pagsusulat.
Gusto kong makasama ka at wasakin
ang lahat ng puwang. Gusto kong ikuyom
ang iyong kamay at sabihing narito tayo,
pakiusap, iwan na natin ang pag-iisa
sa mga tala. Kung mananaginip ako,
nariyan ka rin. Kukunin mo ang palad ko,
ituturo ang linyang maaari kong sundan.
Ikaw ba ang nasa dulo, mahal?
Dahil ayaw ko nang maligaw.